In vain?

Hello Cornerstone! I’m still following Youversion’s Eat this Book: One year Bible Reading Plan with Psalms. Usually, I write about reflections on the book of the day, but today my meditations are more on the Psalm of the day: Psalm 127. It’s a short psalm, and here it is in its entirety:

“Unless the Lord builds the house, its builders labor in vain. Unless the Lord watches over the city,

the watchmen stand guard in vain. In vain you rise early and stay up late,

toiling for food to eat– for he grants sleep to those he loves;

Sons are a heritage from the Lord, children a reward from him. Like arrows in the hands of a warrior are sons born in one’s youth. Blessed is the man whose quiver is full of them.

They will not be put to shame when they contend with their enemies in the gate” Psalm 127:1-5

This Psalm is directly talking about work; about building houses, guarding cities. Therefore, we can apply this to any kind of work that we are doing. We are all working. Lahat tayo nagtatrabaho; pero ayon sa Psalm na ito, may mga trabaho na “in vain.”

Ano ba ibig sabihin ng in vain? It means without success or a result; other meanings include unsuccessfully, to no avail, to no purpose, fruitlessly, profitlessly, unproductively. Sa madaling salita, something is in vain kapag wala itong kabuluhan, walang patutunguhan. Ayon sa Psalm 127, anumang trabaho na hindi si Lord ang gumagawa ay walang kabuluhan.

Kung hindi ang Diyos ang pinagmumulan, ang pinaghuhugutan, ang patutunguhan, ang nakikilala, then walang kabuluhan ang trabaho. Para kang nagluto ng lechon maghapon para sa party kinabukasan, pero yun pala vegetarian lahat ng nasa party. Sayang diba? Walang kabuluhan, walang patutunguhan.

So ano naman ang trabaho na may kabuluhan ayon sa tinuturo ng Biblia?

Ang sagot ay nasa Psalm 127:3-5. Sa unang tingin parang hindi sila connected. Yung unang verses ay tungkol sa trabaho, tas yung mga sumunod tungkol sa pag aanak. Pero nguyain natin, pano nga ba nabubuo ang mga anak? Totoo, may participation ang tao, dahil kelangan mag talik ang mag asawa. Pero ang totoo ay ang Diyos ang bumubuo ng tao sa sinapupunan ng nanay. Kaya nga ang bawat buhay ay isang himala. Kamay mismo ng Diyos ang bumuo sa ating lahat (Jer1:5, Ps 139:19). Ang resulta ay may bunga, may buhay na ipinanganak. Yan ang pattern ng trabahong hindi sayang; hindi “in vain.”

Saka ano pa ba ang sinasabi ng Bible tungkol sa mga anak? Favorite ko sa John 1:12-13: Yet to all who received Him, to those who believed in His name, He gave the right to become children of God – children born not of natural descent, nor of human decision or a husband’s will, but born of God.

Siguro madami kang dahilan para magtrabaho. Kailangan mo ng pera, may mga pinag aaral ka, may mga pianapakain ka, may kinabukasan kang pinaghahandaan. Maganda at valid lahat yan, pero sabi ng Bible kung iyan lang ang mga dahilan, posibleng “in vain” ang pagtatrabaho mo. Posibleng walang kabuluhan, kasi pag nagkita kayo ni Lord baka hindi counted ang mga ginawa mo (Mt.7:21-23). Kahit anong ganda ng reaons natin sa pagtatrabaho, kung hindi din lang ang Diyos mismo ang kabuluhan, then sayang lang.

So paanong pagtatrabaho ba ang tanggap ni Lord? Una, yung trabaho na si Hesus mismo ang pinagmumulan at Siya ang patutunguhan. Siya ang pinagmumulan ng lahat, sa Kanya nanggagaling ang direksyon, sa Kanya humuhugot ng lakas, Sa Kanya nagkukubli pag natatakot, sa Kanya lumalapit pag namomroblema, sa Kanya nagsusumbong, sa Kanya humahanap ng ligaya, sa Kanya lumuluhod pag nagkakamali, sa Kanya nagpapasalamat pag nagkakaron, sa Kanya sumusuko pag nag rerebelde.

Ikalawa, ang ganitong pagtatrabaho ay mag reresulta sa bunga; mag bubunga ng anak. Mag bubunga ng mga anak ng Diyos. Ibig sabihin ay pag nakita ng mga tao kung paano ka itinatawid ng Diyos, sila din gusto nang ma born again! Kung sa pagtatrabaho mo ay sa Diyos ka nakatingin at Siya lagi ang Bida, then yung mga tao sa paligid mo maiintriga sila. Mag tataka, bakit ganyan ka? Tas magtatanong, until finally makilala nila ang ating Diyos. Anak ang bunga. Yan ang main purpose kung bakit tayo andito sa earth (Psalm 74:12).

Ikaw, kapatid, bakit ka nagtatrabaho? Ok lang magplano, pero hinihikayat kita, isuko mo yung mga plano mo sa Diyos, at hingin mo ang plano Niya para sa iyo. Mas mataas yun, mas may kabuluhan yun.

Buti nalang pumarito si Kristo; kung hindi walang kabuluhan ang lahat ng ito.

I’m praying for all of you today, may you surrender to the Lord and embrace His hand in your work. Let Him build your house, let Him guard your city, let Him work through you to bear Him children on this earth. Our God is big!

Why, Lord?

Hi Church!

Today’s readings have taken me to the Book of Job, one of the most fascinating books in the Bible. Many Bible scholars have been baffled by this book, with its mixture of narratives and poems and songs, together with the dramatic content between God, Satan, Job, and his friends.

Here’s a quick background: Job was an upright man who feared God and shunned evil. Then after a conversation between God and Satan, God allowed Satan to inflict severe suffering on Job by killing his children and destroying his properties and giving him a painful disease. Our natural inclination is of course to ask why. Why would God allow this to happen?

If we are His children, why would God allow us to suffer? Also, one the weirdest things in Job’s story is that God never tells him exactly why He let Job go through all that pain. God never told Job, “O sige, pahihirapan kita ha, pero magiging example naman ang buhay mo para sa buong mundo. Pag uusapan ka at makikilala nila Ako kahit thousands of yers ang lumipas…” Wala, walang ganun. Dumaan si Job sa matinding karanasan anang hindi Niya lubos maintindihan kung bakit.  Ang sinabi lang ni Lord sa kanya nung nagkita na sila sa dulo ay “Ako ang Diyos, mas malaki kaysa sa iyo, at ikaw ay higit na mas maliit kaysa sa Akin.” (Job 38-39)

In fact, sa tindi ng karanasan niya, gusto na ni Job na singilin si Lord. Gusto na niyang akyatin si Lord sa langit at tanungin Siya, “Bakit Mo ko ginaganito!?” (Job 23:1-5)

Kaya naman naghinaing si Job, sabi niya, “He is not a man like me that I might answer him, that we might confront each other in court. If only there were someone to mediate between us, to lay his hand upon us both, someone to remove God’s rod from me, so that his terror would frighten me no more. Then I would speak up without fear of him, but as it now stands with me, I cannot.” (Job9:32-35)

Madalas, pinapayagan ng Diyos na dumaan tayo sa suffering at kung minsan, hindi Niya sinasabi sa atin kung bakit. But one thing I’ve learned about suffering is that it’s one of the best ways to reveal our foundations. Sa suffering nagkaka alaman kung saan ka naka sandal, kung saan ka naka kapit. Yung misis ni Job, mukhang naka sandal sa mga anak at kayamanan nila, kasi nung nawala ang mga iyon, tumalikod na siya sa Diyos (Job 2:9).

Pero si Job, bangamat hindi siya perfect, alam niya kung saan kakapit. Nag hinaing siya, sana daw may isang mediator na gigitna sa kanya at sa Panginoon. Kung sakaling may mediator sana siya ay hindi siya matatakot.

Alam mo ba, yung hinaing ni Job ay nasagot na sa panahon natin? Meron tayong Mediator na pumagitna sa atin at sa Diyos Ama. Siya ay si Hesus, at dahil pumagitna Siya, wala tayong dapat ikatakot. Matindi man ang suffering na daanan natin, alam natin na hindi tayo mawawasak dahil pumarito sa atin ang ating Mediator. Hindi ko man alam ang kabuuang kwento kung bakit ako dumadaan dito, sapat na sa akin na kasama ko si Kristo. Kasi kung si Hesus ang kasama, maski impyerno nagiging langit.

Kung ikaw ngayon ay dumadaan sa mapait na karanasan, kapatid, hilingin mo sa Diyos na ipakita saiyo ang iyong pundasyon. Baka naman sa iba ka naka sandal, baka sa iba nakalagay ang kaligayahan, kalakasan at katatagan mo at hindi sa Panginoon. Pumunta ka sa iyong Mediator, tumakbo ka papunta sa Kanya, dahil Siya lang ang pag asa mo para makalampas dyan.

I’m praying for all of you today, that you will feel God’s closeness in everything you do, and that you will embrace Him in suffering even if you don’t see the whole reason why.

Esther was taken

Hi Cornerstone! Today’s readings have taken me to the Book of Esther, one of the most special books in the Bible. This book is unique and has a very special place in Jewish history. This is the only book in the Bible that does not mention God, and yet we can see God’s hand clearly moving in this powerful story.

Here’s a quick overview of this story: Persia was the superpower of that time, and their King was a mighty man named Xerxes. The Persian empire stretched from India to Ethiopia, including Israel and the Jewish people. Ang kanyang Queen at the time was Vashti, and during a certain party, inutusan ni Xerxes si Vashti na magpakita sa mga bisita pero tumanggi ito. Kaya pinalitan siya ni Xerxes, ay pinakuha niya lahat ng mga pinaka magandang babae sa buong empire para palitan si Vashti. Eventually, ang napili niya ay si Esther.

Today’s readings are from Chapters 1-5, but the verse that caught my eye is 2:8:

“…So when the king’s order and his edict were proclaimed, and when many young women were gathered in Susa the citadel in custody of Hegai, Esther also was taken into the king’s palace and put in custody of Hegai, who had charge of the women…”

Look at the words: Esther was TAKEN and put into custody. Hindi siya niligawan, hindi namanhikan, hindi sinuyo. Siya ay kinuha, malamang sapilitan, upang maging asawa ng isang foreigner. Para siguro sa ibang tao, naka jackpot si Esther. Pero para sa isang matinong Israel na babae, masalamuot ang naging kapalaran ni Esther. Para pilitin siyang ikasal sa isang kalaban ng Israel, sa isang maruming lahi, ito ay mapait. Na iimagine ko, malamang umiiyak siya gabi gabi, lalo na dahil nilayo siya sa pamilya niya at pinagbawal siya na magpakilalang taga Israel.

Subalit tulad ng sinabi ko kanina, malinaw pa sa sikat ng araw ang kamay ng Diyos sa likuran ng lahat. Talagang nananadya ang Diyos, dahil nang manganib ang buong Israel si Esther ang naging susi upang mailigtas ang buong bansa.

So ano ang kinalaman sa atin nito?

Minsan pinapayagan ng Diyos na dumaan tayo sa mapapait na karanasan. Remember, hindi pinangako ng Diyos na mawawalan tayo ng suffering pag naging Kristyano tayo; ang pangako Niya ay sasamahan Niya tayo sa kahit anumang haharapin natin (Mateo 28:20).

Minsan sa mga karanasan na ito ay hindi kaagad malinaw kung ano ang gusto ng Panginoon; malamang mapapa iyak tayo sa gabi, at hindi pwedeng ipahalata sa umaga. Subalit ayon sa kwento ng buhay ni Esther, ang kamay ng Diyos ay nasa likod ng lahat. Lahat ng nangyayari sa atin ay pinapayagan ng Diyos upang makilala siya ng buong mundo; upang makilala natin Siya mismo.

Pano kaya kung nanlaban si Esther nung kinuha siya ng hari? Pano kung tumakas siya mula sa palasyo? Siguro kung nangyari yun ay nabura na ang Israel sa kasaysayan ng tao dahil wala si Esther para mamagitan.

Minsan sa kalagitnaan ng pait, parang gusto na nating umayaw. Parang gusto natin mag reklamo kay Lord. Subalit tandaan natin, kakabsat, na mas marunong ang Panginoon. Mas nakaka alam Siya; mas nakaka kita Siya kaysa sa atin. At tandaan mo, kapatid, na anumang pait ngayon ay matatabunan ng tamis na paparating (Roma 8:18).

Kung parang matatalo ka ng pait ng buhay, isipin mo si Kristo, na mas higit pa ang pait na dinanas kaysa sa dinadaanan mo. Siya na walang kasalanan, inako ang parusa ng kasalanan mo, para lang mailigtas ka Niya at makasama ka Niya sa eternity. Kung paano Niya hinawakan si Esther, hawak ka din Niya, kakabsat.

Tobiah are you there?

Hello Cornerstone! I’m still following Youversion’s Eat this book: Bible Reading Plan with Psalms. Today’s readings have brought me to the end of the Book of Nehemiah.

After a successful return and rebuilding of Jerusalem, it was time for Nehemiah to return to his job in Persia. While he was away, the Israelites were enjoying their new found freedom in Jerusalem. For the first time in a long time, nakaranas sila ng ginhawa. At dito nati nmakikita kung paano minsan ang ginhawa mismo ang nakaka walay satin sa Diyos.

In Nehemiah 13, naka sulat ang tungkol kay Eliashib, ang high priest na in-charge sa mga store rooms ng temple. Sa dinami-dami ng mga tao na posibleng mag lingkod sa templo, itong si Eliashib ang pinili g Diyos sa kanyang henerasyon. Isang napaka lakign privilege na mapiling lingkod ng Panginoon.

Kaya lang etong si Eliashib ay palyado ng konti: siya ay bestpren ni Tobiah, isang Ammonite na kabilang sa mga nagplanong pahintuin ang pag restore ni Nehemiah sa Jerusalem. Dahil bestprens sila, na kumbinsi ni Tobiah na ipagamit sa kanya ni Eliashib ang storage room ng temple. Ang storage room na iyon ay dapat exclusive lang para sa mga kagamitan ng Diyos sa temple. Pero dahil bestprens sila, mga gamit ni Tobiah yung laman imbes na kay Lord lang.  Imagine! Sa labas, ang ganda ng hitsura ng temple, pero yun pala, may nakatirang kalaban ng Diyos sa loob.

Buti nalang dumating si Nehemiah. Nung nalaman niya, pinag tatapon niya ang mga gamit ni Tobiah mula sa temple. Tapos pina linis niya yung storage rooms para maging kagamit-gamit na muli sa Panginoon.

Eh ano naman ang kinalaman satin nito ngayon?

Tulad ni Eliashib, tayo din ay pinili ng Diyos bilang Kanyang mga anak dito sa lupa. Sa totoo lang, wala nang mas tataas pa sa ganitong pagtawag. Isang malaking privilege ang mapili ng Diyos na makapag lingkod sa kanya ngayon sa ating henerasyon.

Kaya lang, kung minsan, meron tayong bestpren na nagtatago sa loob. Isang pag uugali, or damdamin, or kaisipan, or anupaman na galing sa ating lumang sarili na hindi ikinatutuwa ng Panginoon. Kung magpapakatotoo lang tayo, may kanya-kanya tayong Tobiah. Matindi itong si Tobiah kasi hindi siya halata ng karamihan. Hindi siya kita ng ibang tao, pero kitang kita siya ni Lord. So posible may isang kristyano na maayos tignan; regular na umaattend, regular na nagppray at nagbabasa ng Bible, pero may nakatagong makasalanang bestpren sa loob. At dahil bestpren siya, hindi tayo makatanggi sa kanya. Hindi natin kayang palayasin.

Buti nalang at mayroon tayong Dakilang Nehemiah: si Hesus na pinaka makapangyarihan sa lahat. Siya lang ang may kakayanan na pumasok sa kasuluk-sulukan ng ating puso at patalsikin ang ating Tobiah. Sa pamamagitan ng Holy Spirit, maaaring manahan sa atin si Kristo, at kung magpapa-ubaya lamang tayo sa Kanya ay malilinis Niya ang ating kalooban.

May Tobiah ka, kapatid. Maitatago mo man siya sa akin, hindi mo siya matatago kay Lord. Hanggang kelan mo papayagan na manatili si Tobiah dyan sa puso mo? Isuko mo na kay Lord ang puso mo. Gusto ni Hesus na Siya lang ang nasa puso mo, dahil ikaw lang ang nasa puso Niya.

I’m praying for all of you today, that the Lord will be the only content of your heart so that there will be no room for Tobiah. Our Jesus is bigger!

Magpapa buo ka ba?

Hi church! I’m still following Youversion’s Eat this Book: One year Bible Reading Plan with Psalms. Today’s readings are on Nehemiah 10-11.

Ang ganda ng overview ng Nehemiah and Ezra. Ang galing ng tandem nilang dalawa. If you remember, ganito ang nangyari: after nilang i-release ng Persia, naka balik na sila sa Jerusalem after 70 years of captivity. Si Ezra ang nauna, at siya ang unang naka kita kung paano naging kalunos-lunos ang sinapit ng Jerusalem habang sila ay preso ng Babylon. Kaya ang unang-una niyang ginawa ay itinayo muli ang temple. Bago pa man sila mag tayo ng mga bahay, ng mga kalsada, at kung ano pa man, inuna nilangitayo ang temple. Inuna nilang ayusin ang kanilang connection sa Diyos. Pagkatapos nun, saka namang dating ni Nehemiah para itayo ang mga pader. Napaka consistent talaga ng Panginoon. Una munang aayusin sa loob, and then saka aayusin yung sa labas.

Ganun din sa atin, mga kabsat. Kapag dumating na ang Panginoon sa buhay natin, ang una Niyang aayusin ay ang ating connection sa Kanya. Sa loob muna (John 3:3), para pwede na nating marinig ang boses Niya at madama ang presensya Niya. Then unti-unti Niyang babaguhin ang ating pang labas… ang ating pakikitungo sa iba, ang ating mga pag uugali, etc. (2 Cor 3:18)

Kung minsan, may mga kristyano na pilit binabago ang pang labas, pero hindi pa naayus sa pang loob. Ang tunay na pagbabago ng Diyos ay nagmumula sa loob, at unti-unti itong makikita sa labas.

Sa Nehemiah 8-11, ang ganda ng kalagayan ng Israel. After mabuo yung temple and matayo yung pader, ipinaubaya nila ang kanilang mga sarili sa Diyos. Binasa ni Ezra ang Aklat ng Batas (Book of the Law) sa kanila, at for the next 7 days nakinig sila sa salita ng Diyos. Pinakinggan nila ang mga alituntunin, mga gusto at ayaw ng Diyos. Yung iba sa kanila ay umiiyak habang narinig ang mga salita, kasi nakita nila kung paano nila nilabag ang mga ito. Pero sabi ni Nehemiah, wag kayong malungkot! Dapat mag saya tayo kasi kapiling na atin muli ang Diyos.

Alam mo, kabsat, pag pinaubaya mo ang sarili mo sa Diyos, mag eenjoy ka din sa salita Niya at sa presensya Niya. Ibig sabihin, kung minsan hindi mo na eenjoy, kung minsan parang boring ang salita at ang pagtitipon, ay dahil hindi mo pinapaubaya ang sarili mo sa Kanya. Kung minsan wala kang panlasa kasi ikaw pa din ang nasusunod sa puso mo. Pero kung ibibigay mo ito sa Kanya, at mag tatapat ka sa Kanya na wala kang panlasa, babaguhin Niya ang puso mo. Unti-unti na ma eenjoy mo muli Siya.

Tulad ng Jerusalem nung panahon nina Ezra, ganun din tayo. Lahat tayo wasak ang buhay, we are all broken. Kailangan natin na muling mabuo ni Kristo. Magpapa buo ka ba sa Kanya ngayon?

I’m praying for all of you today, that you would surrender yourself to God and let Him rebuild you and turn your brokenness to sweetness. Blessings!

We all have broken walls

Hi church! It’s been a while since I wrote on our page. As some of you already know, my schedule has been changed dramatically and it has been very difficult to find time to write. Today’s readings are already on Nehemiah, one of the more popular books of the old testament.

Here’s a quick recap: since Israel and Judah became sinful after the reign of David and Solomon, God handed them over to Babylon as captives for 70 years. Yung dating malakas at masagana na Israel ngayon ay mga preso ng Babylon. Bagamat maginhawa ang buhay nila sa Babylon, para silang mga OFWs… malayo sa sariling bayan at hindi lubusang malaya na makakilos.

After 70 years, ang unang kinilusan ng Panginoon ay si Zerubabbel at si Ezra. By that time, natalo na ang Babylon at ang sumasakop na sa kanila ay ang Persia. The Lord touched King Cyrus’ heart and pinayagan niya si Ezra at Zerubabbel na bumalik sa Jerusalem at itayo ang temple.

Now eto na si Nehemiah. Maganda ang trabaho niya sa palasyo, comfortable at maganda ang kinabukasan niya. Ng dumating yung ilan na dumalaw sa Jerusalem, sinabi sa kanya na yung kanilang pader ay kawawa. Labis na nalungkot si Nehemiah kasi during that time sa kultura nila, ang mga walls ng isang city ay mahalaga. Kapag walang pader, exposed ang mga tao at mga properties nila sa mga magnanakaw at sa mga kalaban. Wala silang security, wala silang strength, at anytime na gusto silang lusubin ng kalaban ay hindi sila maka tanggi. Kaya naman kumilos ang Panginoon sa loob ni Nehemiah, at sa kamay ng Panginoon naka balik siya sa Jerusalem para itayo muli ang mga pader.

Eh ano naman kinalaman nito satin ngayon?

Tulad ng Israel, lahat tayo broken ang ating mga pader. Lahat tayo kanya-kanyang naka tikim ng brokenness. Lahat tayo nakatikim ng pait, ng sakit, ng dagok ng buhay. Sa totoo lang kawawa tayo, kasi bawat lusob sa atin ng kaaway at ng kasalanan ay wala tayong ka laban-laban. Sunod-sunuran tayo kay taning at sa kasalanan.

Pero nang dumating ang takdang panahon, kumilos ang ating Dakilang Nehemiah: si Hesus, na bagamat komportable na Siya sa langit, maayos ang Kanyang kalagayan duon, kasama Niya ang Hari, nadurog ang puso Niya nang makita ang kalagayan natin. Kaya naglakbay Siya papunta dito sa atin at namatay sa krus upang maging ating Dakilang Pader.

Kung papayagan mo lang Siya, Siya mismo ang magiging Pader sa buhay mo; haharangin Niya si Taning, at tuwing susutsutan ka ng kasalanan ay palalakasin ka Niya para hindi ka maging sunud-sunuran.

Sana, huwag ka nang maging pasaway. Kasi kahit may Pader na, madalas mahilig tayo mag laro sa labas ng Pader. Inuuna natin yung gusto natin, hindi yung gusto Niya. Umuwi na tayo; balik na tayo sa loob ng Pader para hindi tayo nagugulpi ni Taning.

I’m praying for all of you today! I pray that you will find Jesus as your wall, sa Kanya ka magkubli at sa Kanya ka manatili. Godblessyou all!