Nasa loob

Hi church! I’m still following Youversion’s Eat this Book: One year Bible reading guide with Psalms. Today’s readings are on 1 Samuel 4-8. It’s quite a lot today but very enjoyable indeed.

Let’s look at some of today’s text:

The Philistines deployed their forces to meet Israel, and as the battle spread, Israel was defeated by the Philistines, who killed about four thousand of them on the battlefield. When the soldiers returned to camp, the elders of Israel asked, “Why did the Lord bring defeat upon us today before the Philistines? Let us bring the ark of the Lord’s covenant from Shiloh, so that it may go with us and save us from the hand of our enemies.”

So the people sent men to Shiloh, and they brought back the ark of the covenant of the Lord Almighty, who is enthroned between the cherubim. And Eli’s two sons, Hophni and Phinehas, were there with the ark of the covenant of God. So the Philistines fought, and the Israelites were defeated and every man fled to his tent. The slaughter was very great; Israel lost thirty thousand foot soldiers. The ark of God was captured, and Eli’s two sons, Hophni and Phinehas, died. 1 Samuel 4:1-4, 10-11.

I find this incident very interesting. Bakit nga ba natalo ang Israel? Kung babasahin natin, very Godly naman sila ah! Alam nila na si Lord ang nasa likod ng lahat, alam nila na pag kasama nila yung ark, kasama nila si Lord. Pero bakit nga ba sila natalo? Bakit hindi nila kayang talunin yung mga Philistines? Yung Philistines na matinding source ng kanilang mga problema?

Eto kasi yan: hindi nila na realize kung nasaan talaga ang problema. All the while ang akala nila ang mga Philistines ang problema. Pero actually, wala sa labas ng Israel ang problema: nasa loob.

In 1 Samuel 2, pinakilala sa atin ang dalawang anak ni Eli, si Hophni and Phinehas. Sila ang mga anak ng high priest, so sila din ay naging priest ng Israel. Kaya lang ubod pala sila ng corrupt, at imbes na parusahan sila ni Eli, pinagsabihan lang at pinayagan na magtuloy sa pag perform ng mga priestly duties. At syempre, hindi ito ikinatuwa ng Panginoon, kaya pinayagan na matalo sila ng mga Philistines.

Ano naman ang kinalaman sa atin nito?

Halos lahat sa atin nakakaranas ng problema sa buhay, at ang tendency ay mag focus sa mga problema sa labas. Pero sa totoo lang, ang pinaka source ng ating suffering ay hindi sa labas; meaning hindi dahil sa sitwasyon, hindi dahil sa ibang tao, hindi dahil sa mga nangyayari sa paligid. Ang pinaka source ng ating paghihirap ay ang ating sariling puso.

Madalas ang gusto ng ating puso ay malayo sa gusto ng Panginoon. Madalas, itutulak tayo ng ating puso patungo sa kasalanan imbes a palapit sa Panginoon (Genesis 6:5-6).

Bakit ka ba galit dun sa isang tao na nangasar sa yo? Kasi tinamaan niya ang ego mo. Bakit ka naaasar sa sitwasyon mo? Kasi hindi kuntento ang puso mo sa kung anong meron ka. Bakit hanggang ngayon hindi mo siya mapatawad? Kasi gustong mag higanti ng puso mo imbes na ipaubaya kay Lord ang hustisya. Bakit nalulungkot ka pag sira-sira ang pamilya mo? Kasi sabi ng puso mo, kumpleto ang buhay mo pag kumpleto ang pamilya mo, imbes na si Lord ang kumumpleto sayo. Nasa loob mo ang problema, kapatid, wala sa labas (Romans 7:17).

Buti nalang may dumating na isang Nilalang na nagdala ng solusyon sa problema ng ating puso. Dumating Siya at namatay sa krus para mai-dugtong tayo sa Ama, sa natatanging source ng buhay na walang hanggan. Dahil sa ginawa Niya, pwede nang palitan yung puso nating madaya (Ezekiel 36:26). Kung sa Kanya ka magtitiwala, babaguhin ka Niya sa loob muna; kaya kahit nagugunaw man ang mundo sa labas, buong-buo ka pa din sa loob kasi andun Siya.

May pinagdadaanan ka bang mabigat ngayon? Baka naman may mga bagay sa puso mo na gustong ayusin ng Diyos. Baka naman imbes na tumingin ka sa nangyayari sa paligid mo, eh hilingin mo na ipakita ni Lord yung laman ng puso mo. Baka andun ang problema, kapatid.

I’m praying for all of you today, that may you see Him inside you, and that you’ll surrender your heart to Him completely. Godblessyou!

Leave a comment